Wish I have time to go through and edit this piece. My mind.. my heart.. my soul.. :)
https://poetrypoem.com/cgi-bin/index.pl?poemnumber=1281487&sitename=steelbutterfly1&poemoffset=0&displaypoem=t&item=poetry
Sige Na
Hawakan mo ang aking kamay , hindi naman talaga ako mahina ngunit gusto ko lang mararamdaman na naroroon ka at kailangan mo rin ako dahil nandito ako at kailangan kita....
Mahal kita, gusto kitang hintayin, isipin, kausapin sa aking isip, alagaan kung maaari at nalulungkot akong hindi.
Gusto kong masaya na akong isipin na mahal lang kita at hanggang doon lang yon, ngunit masakit, at gusto ko rin sanang mahal mo ako.. at ako'y nalulungkot dahil siguro.., hindi..
Bakit may mga pagmamahal na hindi maaaring tugunan,
At may pagmamahal na hindi maaaring tanggapin kung ganoong
Ang mundo ay nauuhaw at salat na nito?
Bakit kailangan maging masakit kung ang pagmamahal ay napakaganda?
Ahhh.. wala sa akin ang sagot.. hindi ko alam,
Hindi ko ninais ngunit kusa ko lang naramdaman. Hindi ko
Binigyang katwiran…
Buong tapang ang aking puso na sumuong sa isang bagyong
Nagdala ng mga ulang manhid at hanging hindi nakikinig…
Buong tapang akong sumubok magdala ng init at liwanag
Sa isang malamig at madilim na bahay-kabibi ng isang ermitanyang
Namumuhay sa kanyang takot at pag-iisa….
Hawakan mo ang aking kamay , hindi naman talaga ako mahina
Ngunit gusto ko lang mararamdaman na naroroon ka
At kailangan mo rin ako dahil nandito ako at kailangan kita....
Wala.. ito'y isang bulong na umalingaw-ngaw sa disyertong
Walang maaaring dumayo kundi ang nagtatago at nakamaskara,
Isang mapanglaw na sigaw na hindi kayang ibigkas ng mga salita
Mahal kita, gusto kitang hintayin, isipin, kausapin sa aking isip, alagaan kung maaari at....
Nalulungkot akong hindi maaari.
Gusto kong masaya na akong isipin na mahal lang kita at hanggang doon lang yon,
Ngunit masakit,
At gusto ko rin sanang mahal mo ako.. at ako'y nalulungkot dahil siguro'y, hindi..

Hindi ko ninais ngunit kusa ko lang naramdaman.
Hindi ko binigyang katwiran

Nagdala ng mga ulang manhid at hanging hindi nakikinig
Wala lang.. yon na lang,
Hanggang doon na lang,
Sige na, paalam.

No comments:
Post a Comment